Sunday, October 31, 2010

Music.

Music. Hindi ko kayang mabuhay ng walang musika...Mamamatay ako sa sobrang katahimikan, buti nalang at may musika na nagpapatakbo sa buhay ng maraming tao, gaya ko. Para sakin, boring ang mundo at ang buhay ko pag walang musika, boring para sa mga taong mahilig, adik, sanay, fan, at gusto ng musika. Ewan ko lang doon sa mga taong sobrang adik sa katahimikan at sa mga taong hindi makarinig simula ng ipanganak sila...siguro ayos lang sa kanila kasi doon sila nasanay.


Rock. Pop. Rap. Yan ang mga type kong kanta, masaya kasi ako pag ganoong mga tugtugin ang napapakinggan ko e. Pero pag naman nagi-emo ako o kaya nagsesenti e, syempre yung mga malulungkot na kanta syempre yung papakinggan ko pero pag nagsawa na ako sa kakadrama, balik ulit sa dating gawi. Kung nag-iisa ako at walang magawa sa isang lugar na tahimik love songs yung kinakanta ko kasabay ng pag-iisip sa mga taong mahal ko.

Band Vocalist. Isa yan sa mga pangarap ko. Dahil nga sa isa akong certified fan ng music, kaya iyan ang napili ko bukod pa doon ay may boses din naman ako. Mga pabirit na kanta ang laging kong kinakanta, ipinapanlaban, at pinapang-audition kasi doon ako sanay, kasi doon ako kilala, kasi iyon ang gusto ng mga tao pati narin ang gusto ng nanay ko. Doon ako bihasa e pero pagwala akong ginagawa, kunwari, nakatambay at nakikinig sa radyo, mga rock, pop, at rap syempre ang kinakanta ko, kung may pabirit man na kanta sa radyo akong naririnig e, sinasabayan ko pero yung mahina lang baka kasi mabulabog ko ang aming mga kapitbahay at syempre, nakakapagod din naman na buong araw kang magkakanta ng pabirit na kanta. Naku, ewan ko lang kung anong magyayari sakin pagkatapos ng isang buong araw na pagkanta ng birit siguro kinabukasan nun, wala na akong boses, sayang naman ako...
Band. Syempre kung pangarap kong maging isang band vocalist e syempre kailangan ko ng banda. Ang pangit naman kasi na tawagin kang band vocalist kung wala kang banda, Ano tayo? Naglolokohan? Maaaring wala sa itsura ko, pero ganito talaga ang hilig ko. Type ko yung mga kanta ng Chicosci, LM.C, Spongecola, Rocksteddy, Evanescence, Linkin Park, Parokya ni Edgar, Gloc 9, Nightmare, at marami pang iba. Type na type ko talaga yung mga kanta nila lalo na yung mga kanta nilang may malakas na bagsak ng gitara at drums. Saya nun! Rock on!

Sa ngayon, nagsisismula na akong maggawa ng mga kanta para sa pangarap kong banda kaso parang hindi tugma yung mga nagagawa kong kanta e..baduy yung laman ng kanta..pero di bale, siguro sa pagtanda ko, (hindi paglaki noh?hehe!) maaayos ko pa yung mga kantang yun kasi ngayon, iba pa takbo ng utak ko e, baduy pa kong magsulat ng kanta...ge! Hanggang dito nalang mga tao!

No comments:

Post a Comment