Celestial Party 2010
*Celestial Party...kung titingnan ninyo ang mga picture dito, mukhang hindi party ang dinaluhan naming magkakaklase dahil sa naka-type C uniform kami..pero party talaga 'to...
*Ang saya naming lahat...lalo na pagpicturan...masaya kahit na natakluban na ako...haha!! Ang Celestial party na 'to ay isang celebration para sa mga santo..
*Dalawang part lamang ng party ko lang naramdaman na isa itong celebration para sa mga santo...noong nagkaroon ng patimpalak na Look-Alike-Saint at noong nagkaroon ng maikling misa ata yun sa gabi bago kami umalis...
*Ang talagng inaabangan ko sa party na 'to e yung
sayawan sa gabi..ang saya 'nun e..PARTY PARY!!
Ang saya saya ko!! Sobra!! Kaya ang pula-pula ng muka ko e...hehe!
________________________________________________________
________________________________________________________
*Celestial Party...isang pagdiriwang ng All Saint's Day, pinaaga lang ito..Ang mga larawang naka-post dito ay mga larawang kinunan sa photo wall noong celestial, isang miyambro ng SBO ang kumuha sa amin ng larawan.
Celestial party...masaya ang mga estudyante sa araw na iyon. Naiinggit ako sa mga estudyanteng nanalo sa battle of the bands kasi di ako nakasali doon. Ngayon, ipinapangako ko na sasali na ako doon sa susunod na taon..pangarap ko talagang magkabanda!!!hayy...Natapos ang party ng mga 9:20 pm pero nakauwi ako sa bahay namin ng 11:00 pm kasi nasiraan daw yung serbis namin at umarkila pa ng dyip para masundo kami. At nung pagkahatid namin sa isa kong kaserbis na 4th year na may kapatid na 1st year, dumiresto pa sa Iba para ihatid yung isa ko pang kaserbis na 2nd year ngunit nung malapit na kami sa bahay nila atsaka palang namin nalaman na wala siya dahil hindi siya sumabay sa amin, siguro ay nauna na o kaya nama'y sinundo ng mga magulang niya. Kaya iyon..gabing gabi na ako nakauwi samin at gabing gabi narin akong natulog..12:00 pero ayos lang kasi na-enjoy ko naman yung buong araw na iyon...Kinabukasan dapat gagala kami ng mga kaklase ko para manood ng sine sa SM, kaso di ako pinayagan ng nanay ko dahil masyado daw akong napagod kagabi. Natatawa nga ako sa sarili ko dahil sa kabila ng pagod, nakagising pa ako ng maaga at nakapag-computer ng buong araw..Haha!!
*Ang una syempre, magpapakilala ang mga guide, tapos magdadasal kami ng rosary, magkakaroon ng maikling discussion tungkol sa Religious life mo, sa closeness mo sa Panginoon at marami pang iba. Basta, tungkol sa Panginoon. Umiyak pa nga ako e..
*Pagkatapos nun, syempre hindi mawawala ang reflection writing. Mayroong mga tanong sa handbook na ipinahiram nila at kailangan mo iyong sagutin. Walang kopyahan, kailangan sariling sagot. Syempre, ganan dapat at kailangan magkakahiwalay kayo ng mga lugar para makapag-isip kayo ng maayos. Dahil mamaya, ibabahagi mo iyon sa klase ninyo.
*Mayroon syempreng recess at lunch in between the activities. Nung recess, may spaghetti..ang daming nilagay sa akin, buti nalang at naubos ko kasi pag hindi mo naubos, magbabayad ka ng P100 kasi raw ang daming taong nagugutom tapos ikaw, may pagkain ka na nga, hindi mo pa uubusin. Akala ko noong una, pantakot lang nila iyon sa mga estudyante para maubos nila ang kanilang pagkain...
*Pero hindi, totoo pala talaga sdahil yung isa kong kaklase, nagbayad ng p100 kasi hind niya naubos yung lunch niya. Ang dami nga naman kasing ulam at kanin. May Adobo, Meat Balls, Pansit at French Fries tapos may kanin. Ang dami pang maglagay. Buti naubos ko..binigay ko yung ibang gulay ng pansit sa isa kong kaklaseng mahilig sa gulay. Yon, Carrots nalang yung kinain kong gulay sa pansit.
*Pagkatapos ng lunch, nagkaroon ng maikling misa. Nakasama pa nga ako sa choir e..masaya palang makasama sa choir pagnagmimisa pero kailangan mabilis kayo sa paghahanap dun sa susunod na kanta kasi mahirap na pagnahuli, masyadong matahimik, nakakabingi.
*Info: Andun ako sa huling "S" ng Oasis. Yung nakataas ang kamay, katabi ng babaeng nakaputing headband at mahaba ang buhok. Sa taas ng babaeng naka-backpack na violet na mahaba rin ang buhok.~
*Bago umalis, bumuli muna ako ng remembrance na nagkakahalaga ng P35..akala ko, P100 lang yung pera ko, iyon pala..P200. Kulang yung sukli ko..Yan. P135 tuloy yung presyo ng reambrance ko..mahal! At dahil sa tiger yung binili ko pinangalanan ko itong...Taiga08.(kailangan talaga ng number noh??)
Napakasaya talaga ng reco...gusto ko ulit mag-reco...ang saya e...
~1-St. John Berchmans Recollection 2010~ ♪♫
SJB Recollection 2010
*Recollection...Excited ako nung araw na iyon dahil iyon ang magiging unang beses na mararanasan ko ang recollection. Ang sabi nung mga ibang section na nakapag-reco na, masaya raw tapos maganda yung lugar, malawak, malamig, tahimik. At nung pumunta nga ang section namin doon, totoo nga, napakaganda ng lugar...Oasis of Prayer...iyon yung pangalan ng lugar. Isa iyong retreat house at katabi lang iyon ng aming ekwelahan sa Lalaan II.*Ang una syempre, magpapakilala ang mga guide, tapos magdadasal kami ng rosary, magkakaroon ng maikling discussion tungkol sa Religious life mo, sa closeness mo sa Panginoon at marami pang iba. Basta, tungkol sa Panginoon. Umiyak pa nga ako e..
*Pagkatapos nun, syempre hindi mawawala ang reflection writing. Mayroong mga tanong sa handbook na ipinahiram nila at kailangan mo iyong sagutin. Walang kopyahan, kailangan sariling sagot. Syempre, ganan dapat at kailangan magkakahiwalay kayo ng mga lugar para makapag-isip kayo ng maayos. Dahil mamaya, ibabahagi mo iyon sa klase ninyo.
*Mayroon syempreng recess at lunch in between the activities. Nung recess, may spaghetti..ang daming nilagay sa akin, buti nalang at naubos ko kasi pag hindi mo naubos, magbabayad ka ng P100 kasi raw ang daming taong nagugutom tapos ikaw, may pagkain ka na nga, hindi mo pa uubusin. Akala ko noong una, pantakot lang nila iyon sa mga estudyante para maubos nila ang kanilang pagkain...
*Pero hindi, totoo pala talaga sdahil yung isa kong kaklase, nagbayad ng p100 kasi hind niya naubos yung lunch niya. Ang dami nga naman kasing ulam at kanin. May Adobo, Meat Balls, Pansit at French Fries tapos may kanin. Ang dami pang maglagay. Buti naubos ko..binigay ko yung ibang gulay ng pansit sa isa kong kaklaseng mahilig sa gulay. Yon, Carrots nalang yung kinain kong gulay sa pansit.
*Pagkatapos ng lunch, nagkaroon ng maikling misa. Nakasama pa nga ako sa choir e..masaya palang makasama sa choir pagnagmimisa pero kailangan mabilis kayo sa paghahanap dun sa susunod na kanta kasi mahirap na pagnahuli, masyadong matahimik, nakakabingi.
*Tapos na ang misa at hapon na, malapit nang maguwian syempre picturan na!!!!Galing kumuha ng picture ni Sir Marasigan (adviser namin) haha! 1...2...3!!
*Click! Ganda ng posing namin noh..hindi makita yung pangalan ng lugar: OASIS...tapos sa baba: of prayer...natkluban na namin. Hehe, ganyan talaga ang mga taong masasaya, aba, ngayon lang nakapunta sa lugar na iyon e, lubus-lubusin na!*Info: Andun ako sa huling "S" ng Oasis. Yung nakataas ang kamay, katabi ng babaeng nakaputing headband at mahaba ang buhok. Sa taas ng babaeng naka-backpack na violet na mahaba rin ang buhok.~
*Bago umalis, bumuli muna ako ng remembrance na nagkakahalaga ng P35..akala ko, P100 lang yung pera ko, iyon pala..P200. Kulang yung sukli ko..Yan. P135 tuloy yung presyo ng reambrance ko..mahal! At dahil sa tiger yung binili ko pinangalanan ko itong...Taiga08.(kailangan talaga ng number noh??)
Napakasaya talaga ng reco...gusto ko ulit mag-reco...ang saya e...
~1-St. John Berchmans Recollection 2010~ ♪♫
Dance a Miracle 2010
*Ang saya saya namin dahil nagkamit kami ng 2nd place sa Dance a Miracle Contest sa RC. Bale, 90 points kaming 1st year tapos 90.6 ang nanalong mga 4th year. Pero kahit na pangalawa lang kami, masaya parin at nakabawi ang 1st year. "Ang sayang maging dancer!!" wika naming mga kalahok sa sayaw. "Libre ang meryenda, 'di aattend ng klase, exempted sa mga assignments, seatworks at quizzes..saya!" pero kapalit naman ng mga iyon ay kailangan mong humabol sa klase, yung mga pinag-aralan nila noong wala ka, oo, masayang maging dancer pero sa totoo lang..kapag nakilala mo yung choreo namin..mmm!bawal sabihin..basta! Yun yon!
*Yung larawan sa taas, una 'di kami magkandaugaga kung saan pupwesto kasi nga atat sa picturan. Pero matapos ang ilang minuto, naayos din. Mahihilig kami sa facebook kaya madalas wika ng iba pagkatapos ng isang picture.."Tag mo ako ha!"...halatang hindi kami adik na adik sa facebook noh?..haha!XD