Anime. Para sakin na isang certified avid fan ng anime...in short: "adik sa anime", nage-enjoy syempre ako sa panonood nun. (Kasi nga fan ako diba?) I totally love anime infact I'm so deeply in love with it!
Sa katunayan, pag napapadaan kami sa mga stores sa mall at may nakita akong anime action figure, kahit di alam yung anime na yun, di maalis ang tingin ko doon. Oo, ganoon ako kaadik! Sobra! Pag nakakita nga ako ng otakuzine o otakuvault tapos di agad nabili, nanghihinayang talaga ako kasi alam kong, pagtalikod mabibili na agad sya dahil sobrang mabili talaga ang mga anime magazines katulad nun.
Ngayon, nagpapakapuyat ako sa panonood ng death note series. Gusto ko na 'tong matapos, ilang episodes nalang matatapos ko na kaso ang problema hindi ko ito matapos-tapos dahil nagba-blog ako. (Sisihin ba ang blog?) Pero ayos lang kasi "Tomorrow is another day" pa naman e.."May Bukas pa" ikanga. Well, kahit na nagagambala ang aking panonood ng death note ng pagba-blog, ayos lang kasi kahit papaano e naibahagi ko sa inyong mga tao ang mga pinaggagagawa ko ngayon. Pero kung wala naman kayong pakialam sa pinaggagagawa ko ngayon e bakit pa ninyo binasa 'to? (taray!) Hindi. Joke lang. Haha! Ano ba 'yan, dinadamay ko pa kayo sa mga kalokohan ko. O iyan hih na high na ako, sobrang puyat, sobrang tutok, kanina pa kasi akong nagko-computer e...(kawawa naman ang mga mata ko..) O sige, full na pala yung niloload kong episode 32 ng death note. Ge! Hanggang dito nalang mga tao! Manonood pa ako e..
No comments:
Post a Comment