Friday, December 31, 2010

Sketches

Drawing. Mahilig akong magdrawing, magdesign ng damit, gown, sapatos..etc. Pag wala akong magawa ito ang madalas na ginagawa ko, ang maggawa ng mga bagay habang walang magawa. Pero ngayon, kahit gusto kong gawin ito'y di ko magagawa kasi nagboblog ako. Siguro kung hindi ako nagboblog ngayon ay nakatapos na ako ng isang design ng gown pero dahil sa nagagawa ako nito, hindi ako nakapag design..(sisihin ba ulit ang blog). Ngayon nagalit sakin ang pinsan ko dahil tinatype namin ang mga anime na gusto niyang panoorin at mga manga na gusto niyang basahin pero nung nagbackspace ako biglang nag back din yung page..(******!) naman oh! Wait, sketches nga pala ang topic, hindi anime o manga o pinsan..haha! (commercial lang yon..mga nangyayari sakin ngayon habang  tinatype ko to..) SORRY!!!T_T (to pinsan "L") nauntog sya nang tumawa sa blog ko, nang makita nya ang codename nya..eto tumatawa na naman sya : "hahahahaha! sketch yan diba?" said him.

Hay ano ba yan..nawala na ang topic..ok balik sa orihinal na topic. Drawing. Masayang magdrawing kasi dito na eexpress ang feelings ko, naeexpress ko ang sarili ko, ang pagkatao ko, ang mga ideya ko, lahat ng tungkol sa akin at higit sa lahat nailalabas ko ang aking creativity, at ang aking talent. Ito minsan ang takbuhan ko ng problema..at jan nagsisimula't nagkakaroon ng mga abstract drawings, paintings...etc. marami akong pangarap, ang maging isang painter, book author, band vocalist, at sa tingin ko may bago nanaman akong idadagdag sa pangarap ko..ang maging isang fashion designer...hayyzz dami!

Saturday, November 13, 2010

Books

Libro. Mahilig akong magbasa ng libro dahil sa masayang magbasa. Kaya lang minsan ay tinatamad narin akong magbasa dahil makakapal na pocketbooks ang mga type kong basahin, ewan ko ba sa sarili ko, ang daming pocketbooks na nakatambak sa bahay na hindi ko pa nababasa pero bili parin ako ng bili. Naaawa na nga ako sa mga magulang ko kasi sa kanila galing yung perang pinangbibili ko ng mga librong may saysay na nagiging walang saysay sa aking mga kamay. Iniisip ko nga kung ibebenta ko iyon, may magagawa pa ako sa pera pero kung ibebenta ko naman iyon, sayang dahil hindi ko man lang natapos yung istorya...

Dati, ang dami kong oras para magbasa pero hindi ko iyon ginamit sa pagbabasa ng mga libro, sa halip ay ginamit ko ito sa paglalaro. Sayang ang mga oras na iyon, kung maibabalik ko lang sana ang panahon kaso hindi na iyon maaari kasi wala namang rewind button ang buhay nating mga nilalang sa mundong ito. Ngayon, bumalik na ang mood ko sa pagbabasa ang kaso, wala naman akong oras na dahil highschool na ako, Busy na. Noon, easy-easy pa e, damin ko pang oras para sa mga bagay bagay kasi elementary palang, di ko akalaing magiging busy na pala ang buhay ng isang taong katulad ko kapg tumuntong na ako sa sekondarya. Hayyy.

Siguro, kung sa mga oras na ito nagbabasa ako ng libro, nakatapos na siguro ako ng ilang chapters pero pinili kong magkompyuter e...at magblog imbis na mag basa ng mga libro. Haha! Sinisi ko nanaman ang blog sa mga gawain kong hindi nagawa..ano ba 'yan? Bakit ba ang hilig kong manisi?

Sunday, October 31, 2010

Anime.

Anime. Para sakin na isang certified avid fan ng anime...in short: "adik sa anime", nage-enjoy syempre ako sa panonood nun. (Kasi nga fan ako diba?) I totally love anime infact I'm so deeply in love with it!
Sa katunayan, pag napapadaan kami sa mga stores sa mall at may nakita akong anime action figure, kahit di alam yung anime na yun, di maalis ang tingin ko doon. Oo, ganoon ako kaadik! Sobra! Pag nakakita nga ako ng otakuzine o otakuvault tapos di agad nabili, nanghihinayang talaga ako kasi alam kong, pagtalikod mabibili na agad sya dahil sobrang mabili talaga ang mga anime magazines katulad nun.

Ngayon, nagpapakapuyat ako sa panonood ng death note series. Gusto ko na 'tong matapos, ilang episodes nalang matatapos ko na kaso ang problema hindi ko ito matapos-tapos dahil nagba-blog ako. (Sisihin ba ang blog?) Pero ayos lang kasi "Tomorrow is another day" pa naman e.."May Bukas pa" ikanga. Well, kahit na nagagambala ang aking panonood ng death note ng pagba-blog, ayos lang kasi kahit papaano e naibahagi ko sa inyong mga tao ang mga pinaggagagawa ko ngayon. Pero kung wala naman kayong pakialam sa pinaggagagawa ko ngayon e bakit pa ninyo binasa 'to? (taray!) Hindi. Joke lang. Haha! Ano ba 'yan, dinadamay ko pa kayo sa mga kalokohan ko. O iyan hih na high na ako, sobrang puyat, sobrang tutok, kanina pa kasi akong nagko-computer e...(kawawa naman ang mga mata ko..) O sige, full na pala yung niloload kong episode 32 ng death note. Ge! Hanggang dito nalang mga tao! Manonood pa ako e..

Music.

Music. Hindi ko kayang mabuhay ng walang musika...Mamamatay ako sa sobrang katahimikan, buti nalang at may musika na nagpapatakbo sa buhay ng maraming tao, gaya ko. Para sakin, boring ang mundo at ang buhay ko pag walang musika, boring para sa mga taong mahilig, adik, sanay, fan, at gusto ng musika. Ewan ko lang doon sa mga taong sobrang adik sa katahimikan at sa mga taong hindi makarinig simula ng ipanganak sila...siguro ayos lang sa kanila kasi doon sila nasanay.


Rock. Pop. Rap. Yan ang mga type kong kanta, masaya kasi ako pag ganoong mga tugtugin ang napapakinggan ko e. Pero pag naman nagi-emo ako o kaya nagsesenti e, syempre yung mga malulungkot na kanta syempre yung papakinggan ko pero pag nagsawa na ako sa kakadrama, balik ulit sa dating gawi. Kung nag-iisa ako at walang magawa sa isang lugar na tahimik love songs yung kinakanta ko kasabay ng pag-iisip sa mga taong mahal ko.

Band Vocalist. Isa yan sa mga pangarap ko. Dahil nga sa isa akong certified fan ng music, kaya iyan ang napili ko bukod pa doon ay may boses din naman ako. Mga pabirit na kanta ang laging kong kinakanta, ipinapanlaban, at pinapang-audition kasi doon ako sanay, kasi doon ako kilala, kasi iyon ang gusto ng mga tao pati narin ang gusto ng nanay ko. Doon ako bihasa e pero pagwala akong ginagawa, kunwari, nakatambay at nakikinig sa radyo, mga rock, pop, at rap syempre ang kinakanta ko, kung may pabirit man na kanta sa radyo akong naririnig e, sinasabayan ko pero yung mahina lang baka kasi mabulabog ko ang aming mga kapitbahay at syempre, nakakapagod din naman na buong araw kang magkakanta ng pabirit na kanta. Naku, ewan ko lang kung anong magyayari sakin pagkatapos ng isang buong araw na pagkanta ng birit siguro kinabukasan nun, wala na akong boses, sayang naman ako...
Band. Syempre kung pangarap kong maging isang band vocalist e syempre kailangan ko ng banda. Ang pangit naman kasi na tawagin kang band vocalist kung wala kang banda, Ano tayo? Naglolokohan? Maaaring wala sa itsura ko, pero ganito talaga ang hilig ko. Type ko yung mga kanta ng Chicosci, LM.C, Spongecola, Rocksteddy, Evanescence, Linkin Park, Parokya ni Edgar, Gloc 9, Nightmare, at marami pang iba. Type na type ko talaga yung mga kanta nila lalo na yung mga kanta nilang may malakas na bagsak ng gitara at drums. Saya nun! Rock on!

Sa ngayon, nagsisismula na akong maggawa ng mga kanta para sa pangarap kong banda kaso parang hindi tugma yung mga nagagawa kong kanta e..baduy yung laman ng kanta..pero di bale, siguro sa pagtanda ko, (hindi paglaki noh?hehe!) maaayos ko pa yung mga kantang yun kasi ngayon, iba pa takbo ng utak ko e, baduy pa kong magsulat ng kanta...ge! Hanggang dito nalang mga tao!