I am Legend (Korean Drama)
I am Legend. Ang ganda ng storya nito! Kahit na hindi ito gaanong akma para sa edad ko. Ayon sa pagkakaintindi ko sa dramang ito, tungkol ito sa pagiging matatag ng isang babae sa kabila ng mga problemang kinakaharap nito sa kanyang buhay. ( Naks! May ganung factor? Char!) Well, nagustuhan ko ito dahil sa umiikot din ang storya nito sa isang banda...ang "Come Back Madonna Band"! (love it!) Ang ganda pati ng songs nila..nakaka-adik! adik-adik na naman ako..haha..sorry po. Inabangan ko talaga ang ending nito kagabi sa ABS-CBN, kaso sobrang nabitin ako..actually hanggang ngayon hindi parin ako maka-move onsa dramang ito. Bitin na bitin ako..♪♫ Pero kahit na nabitin ako, love ko parin 'to! Lalo na si Solenn..ang ganda talaga niya, galing mag-acting at maganda pa ang voice! I love her so much! Simula pa noong nakita ko siya sa "Lovers in Paris". Uhmm..coming back to the main topic, legendary talaga itong "I am Legend" para sakin!! Mamimiss ko ito..sayang nga lang at hindi ko ito masyadong napapanood kasi gabing-gabi na e kailangan ko pang matulog ng maaga kasi may pasok kinabukasan. By the way gusto ko yung farewell concert ng Come Back Madonna..hindi ko alam kung bakit pero parang nadadala ako sa music nila, ang sarap pakinggan ng music nila kasi maganda yung blending ng voices atsaka maganda din yung mga meanings ng songs nila..I am Legend! I recommend this to all of you, it's such a nice drama.
-THE END- |
No comments:
Post a Comment