Sunday, June 26, 2011

Lobo, Imortal at Twilight..

Naaadik talaga ako sa mga ganitong klase ng palabas..hayy...mga type ko talaga, bakit ganito? Vampires and Wolves..pero mas type kong sabihin na mga bampira't mga taong lobo. Bakit mas type ko? Wala lang para kasing mas magandang banggitin kapag tagalog kasi may tunog pinoy. ('yan ako makabayan..wew?) Haha! Maganda ang istorya nitong mga ito..sobra! (para sakin ha, kung sayo hindi..ok lang..) Kaya nga parang wala na akong pakielam kahit na mapuyat ako araw-araw. Namimiss ko na ang "Imortal", hanggang ngayon hindi parin ako maka move-on lalo na ngayong nakikita kong magkasama sa iisang commercial sina Lia at Mateo (Angel Locsin at John Lloyd Cruz) !! Sana may kasunod pa yon, yung anak naman nila ang magiging bida..haha! Ang tagal naman, kailan kaya ipapalabas ang "Breaking Dawn"? Balita two parts daw yun, parang yung latest movie ng "Harry Potter". Naku, talagang aabangan ko yun, magiging bampira na raw si Bella e at magkakaroon daw sila ng baby ni Edward. Hayy. Lobo, kamiss din yun! Yun yung kauna-unahang teleserye ni Angel sa ABS-CBN, tama ba? (i-correct nyo ako kung mali a..thanks!). Sige hanggang dito nalang, adik-adik! Sige..Bye!

No comments:

Post a Comment