Libro. Mahilig akong magbasa ng libro dahil sa masayang magbasa. Kaya lang minsan ay tinatamad narin akong magbasa dahil makakapal na pocketbooks ang mga type kong basahin, ewan ko ba sa sarili ko, ang daming pocketbooks na nakatambak sa bahay na hindi ko pa nababasa pero bili parin ako ng bili. Naaawa na nga ako sa mga magulang ko kasi sa kanila galing yung perang pinangbibili ko ng mga librong may saysay na nagiging walang saysay sa aking mga kamay. Iniisip ko nga kung ibebenta ko iyon, may magagawa pa ako sa pera pero kung ibebenta ko naman iyon, sayang dahil hindi ko man lang natapos yung istorya...
Dati, ang dami kong oras para magbasa pero hindi ko iyon ginamit sa pagbabasa ng mga libro, sa halip ay ginamit ko ito sa paglalaro. Sayang ang mga oras na iyon, kung maibabalik ko lang sana ang panahon kaso hindi na iyon maaari kasi wala namang rewind button ang buhay nating mga nilalang sa mundong ito. Ngayon, bumalik na ang mood ko sa pagbabasa ang kaso, wala naman akong oras na dahil highschool na ako, Busy na. Noon, easy-easy pa e, damin ko pang oras para sa mga bagay bagay kasi elementary palang, di ko akalaing magiging busy na pala ang buhay ng isang taong katulad ko kapg tumuntong na ako sa sekondarya. Hayyy.
Siguro, kung sa mga oras na ito nagbabasa ako ng libro, nakatapos na siguro ako ng ilang chapters pero pinili kong magkompyuter e...at magblog imbis na mag basa ng mga libro. Haha! Sinisi ko nanaman ang blog sa mga gawain kong hindi nagawa..ano ba 'yan? Bakit ba ang hilig kong manisi?