My New Year's Resolution?
.
.
.
.
.
.
.
MAGPAPAYAT!!!
Haha. Adik. Wagas. It may sound funny but i'm serious of it...gusto kong bumalik ang dating ako, gusto kong magkasya or lumuwag man lang ulit ang iba kong damit, at syempre, para narin maging healthy! At gusto ring pumayat dahil maging ako man ang pinakamaliit kapag nagreunion kaming magkakaklase, masasabi kong may nagbago naman sakin...hindi lang sa ugali kundi pati sa katawan. (Kilala kasi nila akong mataba..kaya at that time, kapag nag-loose ako ng weight, masasabi kong I've accomplish something good!) Well, actually..hindi naman talaga ako yung sobrang taba...konti lang naman yung itinaba ko pero ayoko nang tumuloy pa iyon sa pagiging mataba talaga. Kaya ngayon exercise! Kain ng fruits and gulay! Wag masyado sa sweet foods! At matulog ng maaga! (Because they say, ang pagpupuyat daw ay nakakaapekto sa health natin)
You know guys, ang exercise hindi lang naman para sa mga taong gustong pumayat e, it's for all of us. We need it in order to stay healthy. Ang isang taong fit pag pinabayan ang sarili, mawawala ang pagka-fit niya, hindi porke kontento ka na sa katawan mo ay hindi ka na mag-eexercise or basta ka na kain na to the point na wala ka nang pakialam kung sumusobra na yung kain mo.
Wow! Ako ba talaga ang nag-type nito? Grabe, I'm giving you guys a lecture! Haha.
Now I'm gonna tell you my experience this Christmas Vacation. Before our Christmas Vacation, yung palda ko na pang school, medyo sumisikip na...e naalala ko yung sabi sakin ng mom ko bago may start ang school year ngayon..("yan na ang huling pa-adjust ng palda mo ha!") Oh My! Kaya nag-worry talaga ako ng mga panahong iyon...sabi ko sa sarili ko, kung mag papa-adjust man ulit ako ng palda, yon ay iaadjust para paliitin ang size, hindi para palakihin! At na-notice ko rin na yung chin ko pag tumutungo ako, dumudoble na! Kaya what I did this vacation is...fist thing in the morning when I wake up...hilamos at toothbrush muna syempre tapos 30 minutes exercise of AeroKaeBo!! Then after the exercise...breakfast then drink Fit 'n Right! (yung Block and Burn) Haha. Now...Serious and True ito ha..after 2 weeks of vacation....Lumuwag na yung palda ko, mas gumaan ang pakiramdam ko, at lumiit na yung second chin ko!!Yey! But that's not enough, even though start na ulit ng klase ngayon, nag-eexercise parin ako pero hindi nga lang everyday unlike nung bakasyon, every weekends nalang at kung walang pasok. Huh? Bakit di ko pa inaraw-araw? E sinusundo kasi ako ng service ko ng 5:30 am e..anong oras ako gigising? 4 am? Hmmm...pwede rin kaso I need to preserve my energy for school kaya 4:45 or 5 am yung gising ko. Hehe. Tino!
So kung gusto ninyo ng pagbabago sa mga buhay ninyo this year...What are you waiting for? Start a step now to a healthy life!! Like mine! Advice lang naman po ito a..base on experience. Hindi ko kayo pinipilit....again advice lang naman po!! Sige...have a nice day people!!